Brandy is half Siamese and half pusakal (pusang kalye). She was given to me two summers ago by my boss, teacher Annie. When I first saw her, I said, “ay, kamukha ni Sandy.” I have a dog with the same coloring as hers – black and white. Para silang mag-ina so my sister Wilgrace suggested to name her Brandy (ang anak ni Sandy).
Among her talents are:
1. She is ”potty-trained” – we have a bathroom we’re not using so we gave it to her. This is where she does her private thing. And I mean ‘private’, ayaw nyang may makakakita sa kanya kapag nag-wiwiwi or pupu. As in nagagalit siya (ngiaw na galit)! At nakatatawa pa dahil ayaw niyang ipagamit sa iba. Kapag may pumasok, masama ang tingin at binabantayan. Kung minsan may kasama pang kalmot kapag kumamit ka ng CR nya.
Kahit noong nagkasakit sya at nagsuka tae, hindi siya nagkalat. Talagang tumatakbo siya sa CR. At noong inuwi ko siya sa Agoo, sa CR din naming dun nagCR. Oh di ba, alam niya kung ano ang gamit ng CR.
2. She knows how to massage our heads – as in! Kapag humiga na ako or one of my sisters at feeling masipag siya, kusa siyang pupunta sa may ulohan. And she will massage with both hands iyong ulo, iyong may buhok lang. May pahagud-hagod pa! Kung makikita mo talaga siyang magmasahe, you’ll be amazed! (see her pix massaging Wilgrace sa Brandy link)
3. She understand some words – like halika na, akyat tayo, baba tayo, etc.
4. She knows where we keep her food – when she’s hungry, she “ngiaw” and go to the ref. We keep her food there. Her staple food are century tuna plain in water, whiskas dry, and rice. It has to be ‘in water’ at hindi ‘vegetable oil’. She does not like to eat fatty foods. I tried giving her bangus belly, chicken skin and some oily food but she won’t even taste them. Aba eh, diet conscious! Mabuti na nga lang at kumain na siay ng rice. Dati kasi ang gusto nya lang whiskas meat loaf. But her favorite food is chicken.
5. She knows how to tell expensive fish from ordinary fish – Ayaw ba naman tikman ang sardines kahit Ligo na. Kapag bangus tikim lang. Pero kapag blue marlin ay ubus na ubos!
6. Alam nya ang oras ng pag-uwi ko sa gabi – kasi nag-aabang na siya sa may bintana. At bago pa man makita or marinig ang pagbukas ko ng gate, ngumingiyaw na sya. (Naaamoy niya kaya ako? Ang lakas naman ng amoy ko kung ganun!)
7. Nanunuod siya ng horror movie – at basketball. We used to explain her fascination with basketball is due to the fact that she sees a lot of movements on the screen. More than 10 ba naman ang tumatakbo (10players + refs) at may bola pa!
Pero noong nanuod kami ng The Grudge, at nakita nya iyong pusang itim, di nya halos alisin ang tingin nya sa TV. Eh naihi ako kaya pumunta ako sa CR, dahil nagmamadali ako para makapanuod, naiwan siya sa may kusina. Eh nasa scene na ng lalabas na ulit iyong mga multo. Di ba may sound sa background (aaa-aa-aa) pero hindi naman typical nakakatakot. But Brandy ran in panic at takot na takot. Mukhang naintindihan niya ang ibig sabihin noong sound na iyon sa panunuod ng movie.
8. Nanunuod din siya ng mag computer games for kids – she will sit on my lap and look at the computer screen. She will stay for a long time if I’m playing games for toddlers (try out ko lang po before I present it to my students). I think pwede nga syang quality control ng computer games – kung hindi nacapture attention nya, di din mabenta sa mga kids (hmmm, pwede ko ba itong pagtrabahuin?).
9. Walang nakalalampas na flying or crawling insects (parang insecticide)– pati malalaking lamok! Basta nakita nya, di yan titigilan hanggang mapatay.
10. Marunong mag-alaga ng laruang daga – syempre hindi sya kumakain ng daga anoh, pinaglalaruan nya lang po. But one time, nilagay niya sa CR nya. Hindi makalalabas agad ang maliliit na daga doon kasi may harang palabas. Kailangan mo pang hakbangin. Nilagay nya doon at doon pinaglalaruan. Sinisilip silip nya din parati para lang I-check. Syempre, after 2 days patay na din po ang kawawang daga dahil sa gutom.
11. at marami pang iba next time ko na ulit isusulat, parang ang haba na eh. =)