J.O.Y.C.E.
Wednesday, January 19, 2005
Sunday, January 16, 2005
Brandy, my Cat, Who Thinks She’s Human
Brandy is half Siamese and half pusakal (pusang kalye). She was given to me two summers ago by my boss, teacher Annie. When I first saw her, I said, “ay, kamukha ni Sandy.” I have a dog with the same coloring as hers – black and white. Para silang mag-ina so my sister Wilgrace suggested to name her Brandy (ang anak ni Sandy).
Among her talents are:
1. She is ”potty-trained” – we have a bathroom we’re not using so we gave it to her. This is where she does her private thing. And I mean ‘private’, ayaw nyang may makakakita sa kanya kapag nag-wiwiwi or pupu. As in nagagalit siya (ngiaw na galit)! At nakatatawa pa dahil ayaw niyang ipagamit sa iba. Kapag may pumasok, masama ang tingin at binabantayan. Kung minsan may kasama pang kalmot kapag kumamit ka ng CR nya.
Kahit noong nagkasakit sya at nagsuka tae, hindi siya nagkalat. Talagang tumatakbo siya sa CR. At noong inuwi ko siya sa Agoo, sa CR din naming dun nagCR. Oh di ba, alam niya kung ano ang gamit ng CR.
2. She knows how to massage our heads – as in! Kapag humiga na ako or one of my sisters at feeling masipag siya, kusa siyang pupunta sa may ulohan. And she will massage with both hands iyong ulo, iyong may buhok lang. May pahagud-hagod pa! Kung makikita mo talaga siyang magmasahe, you’ll be amazed! (see her pix massaging Wilgrace sa Brandy link)
3. She understand some words – like halika na, akyat tayo, baba tayo, etc.
4. She knows where we keep her food – when she’s hungry, she “ngiaw” and go to the ref. We keep her food there. Her staple food are century tuna plain in water, whiskas dry, and rice. It has to be ‘in water’ at hindi ‘vegetable oil’. She does not like to eat fatty foods. I tried giving her bangus belly, chicken skin and some oily food but she won’t even taste them. Aba eh, diet conscious! Mabuti na nga lang at kumain na siay ng rice. Dati kasi ang gusto nya lang whiskas meat loaf. But her favorite food is chicken.
5. She knows how to tell expensive fish from ordinary fish – Ayaw ba naman tikman ang sardines kahit Ligo na. Kapag bangus tikim lang. Pero kapag blue marlin ay ubus na ubos!
6. Alam nya ang oras ng pag-uwi ko sa gabi – kasi nag-aabang na siya sa may bintana. At bago pa man makita or marinig ang pagbukas ko ng gate, ngumingiyaw na sya. (Naaamoy niya kaya ako? Ang lakas naman ng amoy ko kung ganun!)
7. Nanunuod siya ng horror movie – at basketball. We used to explain her fascination with basketball is due to the fact that she sees a lot of movements on the screen. More than 10 ba naman ang tumatakbo (10players + refs) at may bola pa!
Pero noong nanuod kami ng The Grudge, at nakita nya iyong pusang itim, di nya halos alisin ang tingin nya sa TV. Eh naihi ako kaya pumunta ako sa CR, dahil nagmamadali ako para makapanuod, naiwan siya sa may kusina. Eh nasa scene na ng lalabas na ulit iyong mga multo. Di ba may sound sa background (aaa-aa-aa) pero hindi naman typical nakakatakot. But Brandy ran in panic at takot na takot. Mukhang naintindihan niya ang ibig sabihin noong sound na iyon sa panunuod ng movie.
8. Nanunuod din siya ng mag computer games for kids – she will sit on my lap and look at the computer screen. She will stay for a long time if I’m playing games for toddlers (try out ko lang po before I present it to my students). I think pwede nga syang quality control ng computer games – kung hindi nacapture attention nya, di din mabenta sa mga kids (hmmm, pwede ko ba itong pagtrabahuin?).
9. Walang nakalalampas na flying or crawling insects (parang insecticide)– pati malalaking lamok! Basta nakita nya, di yan titigilan hanggang mapatay.
10. Marunong mag-alaga ng laruang daga – syempre hindi sya kumakain ng daga anoh, pinaglalaruan nya lang po. But one time, nilagay niya sa CR nya. Hindi makalalabas agad ang maliliit na daga doon kasi may harang palabas. Kailangan mo pang hakbangin. Nilagay nya doon at doon pinaglalaruan. Sinisilip silip nya din parati para lang I-check. Syempre, after 2 days patay na din po ang kawawang daga dahil sa gutom.
11. at marami pang iba next time ko na ulit isusulat, parang ang haba na eh. =)
Friday, January 14, 2005
Intelligent Conversations (pls ckeck for updates)
BROWN OUT! (contributed by JODI)
Ubing: kasatno ngay dagijiay lugan idiay kalsada?
(hmmm, lagot brown out din mga jeep at bus)
PAULIT-ULIT
Teacher: Let me see if you understand what you have read. Translate to English the instructions written in Filipino. (Since the child is more comfortable in speaking in English)
Child: "Isulat ng sunud-sunod ang mga titik ng alpabetong Filipino". Write the next-next letters of the alphabet.
(bakit kasi paulit-ulit tayong mga Filipino. Ang kulit-kulit!)
PAULIT-ULIT (part2)
Ilang araw pa lang pagkatapos ng 3rd birthday ni Bodang, nakakita kami ng magandang birthday cake. Meron pang karnibal at karosel. Dahil mukhang gusto nya, sabi ko sa kanya, "pagbirthday mo ulit next year, sabihin mo kay Nanay na ganyan ang gusto mong birthday cake." Aba, biglang kumunot ang noo, nag-isip ng mabuti at sinabing pagalit,"Bakit paulit-ulit yang birthday yan?"
(bakit nga ba?)
Tuesday, January 11, 2005
My New Old Fon
my SAP1
Sunday, January 09, 2005
NASA Evidence about God
A friend emailed me this a long time ago. Please allow me to share this with you.
Friday, January 07, 2005
New Year's Resolutions
It's been a week of 2005 but i haven't finalized my Resolutions. Corny na nga kasi ang tagal na. But I think I have to publish them para walang excuses. So here they are:
1. Have a healthy lifestyle = lose weight (hindi po ako nag-eenarte, im overweight accdg to my BMI, mirroor, clothes)
2. Save! Save! Save! (kasi magastos magcrash course, magsulat ng thesis, at hopefully grumaduate)
3. Grow spiritually
4. Have a plan and follow through
Blessings I received in 2004
1. Pangs - sa lahat lahat, maraming salamat po
2. greatest job in the world - its always fun, never a dull moment
3. extra raket/sideline/pagkikitaan - kaya po teachers ang beneficiary ni Oprah
4. My Family
5. Good Health - nasobrahan nga ata, sobrang 'lusog' ko na ngayon
6. a chance to study - sarap matuto
7. my Brandy, na sinasamba ako - ako po kasi "human" nya at tagabigay hilig nya
8. Friends, mga Tols - na kahit medyo di masyadong nakita nitong 2004 ay alam kong di nagbabago ang aming samahan (miss you guys!)
9. Co-teachers & bossess - sarap nyo kasama
10. at sa lahat lahat ng opportunities, material, and non-material things
Thursday, January 06, 2005
It's better to give
gifts to give
papa opening his gift (fr. me)
mama opening her gift (fr. me)
But its always exciting to RECIEVE gifts
THANK YOU VERY MUCH for all my kids, parents, & friends!
I thought i had the most gift in my life! I got 22 by Dec. But by Jan., I already have 25!!! Ang sarap ng Pasko! (di pa po kasali jan gifts ng Pangs ko =)










